Tuesday, July 20, 2010

ikaw

nong isang araw,
sinabi ko sa sarili ko papakawalan na kita,
inisip ko na kailangan na kitang iwan,
pagod ako?
hindi na masaya?
oh gusto ko na talagang matapos?

madaming tanong na hindi ko nasagot,
dumaan ang isang buong araw,
hindi nga lang siguro isa,
hangang sa maramdaman ko na!
namiss pala kita sobra,

dumating ka nga siguro,
hindi ko insahan,
hindi natin pareho ginusto,
subalit nagtagpo tayong dalawa,

madalas ko ngang tanong masaya ka b?
hindi ka sumasagot nga deretso,
subalit hindi ka rin naman umaayaw,
hindi ko nga alam kong may pakiramdam pa ako minsan

subalit ang lahat ng eto,
isa lang ang alam ko,
masaya ako na dumating ka,
masaya ako na nadyan ka,
marami mang pagkukulang,
marami mang gustong,
hindi ko man makuha,
may mas malalim na dahilan,
may mas malalim na pakiramdan,
na gusto kao patuloy kang hawakan,
hawakan sa paraaang gusto ko,
hawakan sa paraang malayo ka,
subalit nararamdaman kita,

siguro nga nagulo ko ang buhay mo,
napag-isip kita ng hindi sinadya,
ayaw ko magpaalam,
subalit hindi ko rin alam ang bukas,
dumating man tayo sa dulo,
ang tandaan mo lang,
naging masaya ako,
at sa bawat lungkot ng darating,
isipin ko lang na minsan
ngumiti ako,
dahil sayo........